mama
Ito ang araw na pagdiriwang ang kaarawan ng aking nanay. Simple pero masaya dahil kumpleto kami. Napakasarap isipin at pagmasdan na makita mo ang pamilya mo na masaya, kumpleto at higit sa lahat wala kang away na maririnig. Si mama ayaw niya ng bonggang handaan tuwing kaarawan niya kung tutuusin nga ayaw niya na magluto pa, pero heto kami ni kapatid ko nagluto kahit konti at pinambili pa siya ng lobo at cake. Si mama kasi kahit ano lang okay na sakanya. Napaka proud ko sakanya kase napaka sipag , bait, mapagkumbaba, madaling magpatawad at sobrang mapagmahal. Kaya nagpapasalamat ako dahil siya ang binigay na nanay saaming magkakapatid. Sana marami pa kaming ipagdiwang na kaarawan niya na samasama parin kami at sana ay magkaroon siya ng malakas na pangangatawan.Maraming Salamat MA! Mahal ka namin lahat :)
Comments
Post a Comment