Tradisyon Kada Taon
Ito ay ang mga kamag anak namin sa aming tatay. Sila ay walong magkakapatid kaya kung makikita niyo sa larawan ay marami kami dahil nandiyan na ang mga anak, apo at kanilang mga pamangkin. Itong larawan na ito ay kinuhanan ko noong bagong taon Enero 1, 2018 yun yung araw na pinagdiwang namin ang bagong taon na kasama ang aming LOLA. Naging tradisyon na namin ito kada taon ganito ang pag diriwang namin ng bagong taon, isang pagsamasama ng buong pamilya na may palaro, pag bigay ng regalo, kwentuhan at tawanan. Labis akong natutuwa dahil sa isang pag diriwang na ito ay kami ay nagsa sama sama at naipapakita namin ang aming pagmamahalan sa isat isa. Sana madami pang taon na kami ay magsama sama bilang isang pamilya upang ipagdiwang ang bagong taon.
Comments
Post a Comment