Unang Araw sa Kolehiyo
Ngayon aking ibabahagi ang naramdaman o naranasan ko noong unang araw ko sa kolehiyo.
Ako ay nag aaral sa Tarlac State University at ang kinukuha kung kurso ay Edukasyon medyor sa Elementarya at ako ay nasa ikatlong baitang na.
Ang naramdaman kulang noon ay "NATATAKOT o KINAKABAHAN" at "MASAYA"
"NATATAKOT o KINAKABAHAN" dahil unang araw iyon ng klase wala akong kakilala hindi ko alam kung sino mga kaklase ko? sino mga propesor ko? mababait ba sila? saan kaya dito yung silid-aralan namin? puro ako tanong sa sarili ko dahil wala akong kaalam alam ni isa kasi hindi kupa alam ang mga lugar sa kampus sa lucinda noon lalo na't may iba pang kurso ng estudyante doon at isa pa wala akong kasama o kakilala.
"MASAYA" dahil isang ganap na kolehiyo nako at alam ko na marami akong masasalamuha na iba ibang tao at marami akong magiging kaibigan. Alam ko rin sa sarili ko na marami akong matutunan at marami pa akong mararanasan.
Una palang mahirap na ang aking karanasan noong unang araw pero kailangan kung harapin upang makuha ang aking inaasam. Kailangan kung maging matatag at magkaroon ng lakas ng loob upang magtanong tanong para alam kung saan ako pupunta. Naging malakas ang loob ko noon upang makapasok ako sa klase ko at buti nlang ay inihayag kung saan ang magiging silid--aralan namin. At ngayon ako ay nasa ikatlo ng baitang at masasabi kuna na alam kuna ang lugar sa kampus, may kakilala na ako at may mga kaibigan pa at hindi na gaanong kinakabahan. At alam ko ngayon na konting kembot nalang ay magtatapos nako at makukuha kuna ang aking inaasam na maging isang guro upang makapagturo na sa mga bata.
Comments
Post a Comment