Survivors
Mahirap bitawan ang mga taong may tatak na sa puso mo lalo na kapag kayo ay may pinagsamahan, pinagsamahan sa tawanan at iyakan.
Marahil may nagbago saatin, nagbago ang pagsasamahan pinakikisamahan at ang mga nakakasama. Minsan sa buhay ng tao may darating sa kanya na may makakasalamuha siyang iba kaya kailangan din natin makipag kaibigan sa kanila, hindi porket nakisalamuha sa iba ay bibitawan o kakalimutan na ang mga nauna dahil kailangan nating tanggapin na may makikilala't makikilala tayong iba.
Pero dumadating ako sa punto na naiisip ko din kayo dahil naging parte kayo ng buhay ko, naiisip ko ang mga masasayang araw na kasama ko kayo lalo na ang kwentuhan at tawanan. Sana dumating ang araw na magawa ulit natin iyon na walang alitan, selosan at damdaman.
Patawarin niyo ako kung ako ay may nagawang kasalanan o pagkukulang pero ito ang inyong tandaan kayo ay hindi ko kinalimutan kayo ay nakatatak na sa aking puso't isipan.
Comments
Post a Comment