Posts

Showing posts from February, 2018

pamilya

Image
Napakasarap magkaroon ng Pamilya na buo, masaya at nagkakasundo. Pero alam naman natin na hindi naiiwasan ang problema pero kayang solusyunan kung ating kagustuhan. Kami ay isang pamilya na masayahin, nagkakasundo at hanggang ngayon ay kumpleto parin kahit anf dami ng problemang napagdaanan tulad ng away dito away doon. Bilang isang anak naranasan ko na makita ang magulang ko na nag aaway at sobrang sakit sa pakiramdam na minsan maiisipan mo nalang na sumuko. Pero ngayon nakikita ko na hindi solusyon ang sumuko marahil dapat ay tayo ay manalangin upang ang ating problema ay malagpasan. Salamat dahil simula noong bagong taon hindi na ulit nag away ang aming magulang, Sobrang saya ko at alam ko kaming lahat dahil bunalik na ulit ang lokohan at tawanan namin bilang isang buong pamilya. Sana hanggang dulo na ito at hindi na sana bumalik ang dati naming pinagdaanan. Kaya sana kayo huwag panghinaan ng loob dahil ang lahat ng problema ay may solusyon magtiwala ka lang lalo na sa atin...

Tradisyon Kada Taon

Image
Ito ay ang mga kamag anak namin sa aming tatay. Sila ay walong magkakapatid kaya kung makikita niyo sa larawan ay marami kami dahil nandiyan na ang mga anak, apo at kanilang mga pamangkin.  Itong larawan na ito ay kinuhanan ko noong bagong taon Enero 1, 2018 yun yung araw na pinagdiwang namin ang bagong taon na kasama ang aming LOLA. Naging tradisyon na namin ito kada taon ganito ang pag diriwang namin ng bagong taon, isang pagsamasama ng buong pamilya na may palaro, pag bigay ng regalo, kwentuhan at tawanan. Labis akong natutuwa dahil sa isang pag diriwang na ito ay kami ay nagsa sama sama at naipapakita namin ang aming pagmamahalan sa isat isa. Sana madami pang taon na kami ay magsama sama bilang isang pamilya upang ipagdiwang ang bagong taon. 

Survivors

Image
/ Mahirap bitawan ang mga taong may tatak na sa puso mo lalo na kapag kayo ay may pinagsamahan, pinagsamahan sa tawanan at iyakan. Marahil may nagbago saatin, nagbago ang pagsasamahan pinakikisamahan at ang mga nakakasama. Minsan sa buhay ng tao may darating sa kanya na may makakasalamuha siyang iba kaya kailangan din natin makipag kaibigan sa kanila, hindi porket nakisalamuha sa iba ay bibitawan o kakalimutan na ang mga nauna dahil kailangan nating tanggapin na may makikilala't makikilala tayong iba. Pero dumadating ako sa punto na naiisip ko din kayo dahil naging parte kayo ng buhay ko, naiisip ko ang mga masasayang araw na kasama ko kayo lalo na ang kwentuhan at tawanan. Sana dumating ang araw na magawa ulit natin iyon na walang alitan, selosan at damdaman.   Patawarin niyo ako kung ako ay may nagawang kasalanan o pagkukulang pero ito ang inyong tandaan kayo ay hindi ko kinalimutan kayo ay nakatatak na sa aking puso't isipan.